^

Dr. Love

‘Di type dati, hinananap ngayon

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan kaming nagkaroon ng party ng mga kaibigan ko at doon ko nakilala si Pete na naging masugid kong manliligaw. Pinrangka ko siya na wala siyang maaasahan sa akin dahil may boyfriend na ako.

Sa totoo lang, dahilan ko lang iyon. Wala talaga akong gusto sa kanya. Pero ubod ng kulit si Pete, ayaw tumigil sa panliligaw. Sabi niya, habang hindi pa ako kasal ay hindi siya titigil ng panliligaw.

Tinarayan ko na siya sa harap ng iba naming kaibigan at nakita kong namula siya sa kahihiyan. Mula noon ay hindi ko na siya nakita. May balita akong nag-asawa na siya at nag-migrate sa Canada.

Ngayon ay nami-miss ko siya at napagtanto ko na mahal ko siya. Ano ang gagawin ko?

Melba

 

Dear Melba,

Kalimutan mo siya, iyan ang dapat mong gawin. Minsan nakagagawa tayo ng mga bagay na pinagsisisihan natin. Maghintay ka na lang at darating din ang lalaking para sa’yo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with