^

Dr. Love

Huwag idaing sa iba ang problema

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong JM. Sa isang pagkakamali ko, nagalit na siya agad at gusto nang umayaw. Parang unfair naman po na kung siya ang mali, lagi kong inuunawa. 

Wala siyang naririnig sa akin na panunumbat. Kahit nga minsan sobra na ang selos ko pero hinahayaan ko lang dahil ayaw kong magkahiwalay kami. 

Masakit dahil ako ang lumalabas na may pagkukulang. Siguro bago niya ako hatulan, tingnan na muna niya ang kaniyang mga maling nagawa sa akin. 

Totoong kinausap ko ang isa niyang kaibigan. Lumapit na ako dahil parang hindi na pagmamahal ang aking nararamdaman. Parang sunodsunuran na lang ako sa gusto niya. 

Kapag hindi ko nagagawa, nagagalit siya. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag niya akong sisigawan sa harap ng kanyang mga kaibigan. O kaya ay bigla na lang iiwan habang nasa hapag-kainan. 

Hinahanap ko lang ngayon ang isang babae na magiging masaya ako, at hindi ‘yung laging nakabantay sa aking pagkakamali. 

Kaya nga siguro nahulog ang loob ko sa kaibigan niya at sa kanya ko dinaing ang lahat ng sama ng loob ko. Kami ang nakitang niyang nag-uusap sa fastfood na dati, kami ang naglalambingan. 

JM

Dear JM,

Kung magagawan pa ng paraan, ayusin mo at huwag sa ibang babae ka magsasabi ng mga hinaing mo. 

Kung away mo na, sabihin mo sa kanya. Mas mainam na alam niyang wala ka ng gana at naghahanap ka na ng iba. 

Hindi rin naman maganda ‘yung lagi ka-yong naghahanapan ng mali sa isa’t isa. Kung talagang nagmamahalan kayo, dapat alam ng isa ang mali niya at tutulu-ngan mo siyang itama ang mali niya. 

Ganoon ang dapat mong ipaunawa sa gf mo. Huwag mong gawing dahilan ang mali niya para iwasan mo siya. Tala-gang walang mangyayari kung hindi kayo mag-uusap ng maayos, na kayo lamang dalawa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with