^

Dr. Love

Nagsinungaling sa kasintahan

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabigat sa dibdib ang dala kong problema. Malapit na akong ikasal sa boyfriend ko na ang expectation sa akin ay isa akong virgin.

Lagi kasi niyang sinasabi sa akin na ang gusto niyang mapangasawa ay isang dala-gang-dalaga pa o wala pang karanasan sa sex. 

Nang usisain niya ako ay napilitan akong magsinungaling. Sinabi ko na wala pang lala-king nakakagalaw sa akin. 

Sa totoo lang, nagalaw ako ng isa kong boyfriend pero minsan lang. Nagsinungaling ako dahil mahal na mahal ko siya at ayaw kong ilaglag niya ako dahil ‘di na ako virgin.

Ang boyfriend ko ay isang pastor na 22 anyos at never been touched din dahil Christian siya mula sa pagkabata. 

Sabi niya, naniniwala siya na hindi dapat magkaroon ng pre-marital sex ang magkasintahan.

Ngayon ay nakatakda na kaming magpa-kasal. Binabagabag ako ng konsensya ko. 

Ano ang gagawin ko?

Shay 

Dear Shay,

Magsabi ka sa kanya ng totoo at hu-mingi ka ng tawad sa pagsisinungaling mo. Unfair sa kanya kung pakakasalan ka dahil nilinlang mo siya.

Alagad siya ng Diyos, umaasa akong mauunawaan ka niya at tatanggapin kahit ang gusto niya ay isang birhen. 

Ngunit kung maki-pagkalas siya sa iyo, karapatan niya ‘yon at may katuwiran siya na dapat mong igalang at tanggapin. 

Pinangunahan ka na kasi niya noon hinggil sa tipo ng babaeng pakakasalan niya, pero nagsinungaling ka. 

Kaya ang pinakatamang magagawa mo ay sabihin ang totoo dahil kahit ano pa ang gawing mong paraan para mailihim ang tungkol sa iyong virginity, malalaman din niya ito sa inyong unang gabi.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with