^

Dr. Love

Hindi makapag-boyfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong Nenita. Simula nang mabalo ang ate ko, ako na ang nag-aalaga sa kanya. Mayroon siyang anak pero pina-ampon na. Hindi na rin niya kasi maalagaan sa sobrang depressed niya nang mawala ang kanyang mister.

Hanggang ngayon wala na akong naging buhay kundi alagaan si ate. Hindi na rin ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil walang maiiwan sa kanya. Kaya napabayaan ko na ang sarili ko. Hindi na tuloy ako makapag-boyfriend dahil hindi ko mapagsabay ang love life at pag-aaruga ko sa ate ko.

Siguro tatanda na lang ako ng ganito.

Nenita

 

Dear Nenita,

Hindi ka nga nagkaroon ng love life o ng boyfriend, naipakita mo naman ang tunay na pagmamahal. Ang pagtitiis mo at tiyaga para sa iyong ate ay hindi nasasayang.

Dapat mong ikagalak ang napili mong pagli-lingkod. Pero huwag mong isasara ang puso mo sa lalaking mamahalin ka. Tandaan mo, may kalakip na pagpapala ang mabuti mong ginagawa.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with