^

Dr. Love

Thank you, Prof

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong Kenneth. Second year college sa kursong engineering. Gusto ko lang po i-share ang experience ko sa NSTP namin. Mayroon kaming mga activities like bandaging at CPR.

Masaya ang klase namin dahil kwela ang aming professor. Lagi siyang nagpapatawa na related naman sa topic namin. Kaso parang sapol ako sa mga sinabi niya. Parang ako na talaga ang pinariringgan niya pero alam ko naman na para sa aming lahat ang kanyang sinasabi.

Step daw ng CPR, kailangan alamin namin ang sitwasyon at kondisyon ng victim. Parang sa pag-ibig nga daw, kailangan alam mo ang sitwasyon ng liligawan mo o ng crush mo. Huwag daw sugo nang sugod.

Magpakilala ka at humanap ng tulong. Ewan ko, ang likot ng isip ko noon dahil present ang crush ko sa klase namin. Kaya relate na relate ako.

Sabi pa nga ni sir na alamin kung bakit hindi tumitibok ang puso. Para higit na matulungan ang tao. Natawa lang ako dahil dedma ang crush ko sa akin.

Walang pakiramdam at madhid siya, walang malay. Bago pa matapos ang klase namin, bigla na lang tinawag kami ni sir para i-demo ang CPR.

Ang laking gulat ko kaya, kami pa ang mag-partner. Hayun nawala ako sa focus at kinabahan. Kaya ako na lang ang tumanggap sa role ng victim. Grabe ang kaba ko, Dr. Love. Wala namang mouth to mouth na nangyari, ‘yung steps lang naman ang gustong makita ni sir. Kabado talaga ako.

At habang nakahiga ako, dama ko lahat ng pagtulong sa akin ng crush ko. Naisip ko tuloy na sana maging totoo ang lahat, na ma-revive niya ang pagkatao ko. Pasyensiya na po kasi sa ganitong paraan lang ako nagkakalakas ng loob. Sa totoo lang, ‘yun ang unang malapitang pag-uusap namin. Sana man lang masundan pa. Nagpasalamat nga ako sa prof namin dahil doon sa demo ay nakausap ko ng malapitan ang crush ko.

Kenneth

Dear Kenneth,

Natutuwa ako sa iyo. Kung sa iba ay sobrang babaw lang ng ibinahagi mo, tiyak ko na sobrang saya mo nung araw na iyon.  Ganoon naman dapat, kapag may pakakataon,  i-enjoy mo. Sabi mo nga, first time mong malapitan ang crush mo.

Basta be yourself at huwag kang mahihiyang lapitan siya at kausapin. Walang mangyayari kung hanggang pangarap ka lang.

Anyway, pwede mo naman siyang maging kaibigan muna, kung nahihirapan kang ligawan na siya. Para hindi ka rin naman niya agad i-turn down. Kasi may mga babae na kapag nalaman nilang liligawan mo, iiwas na agad sa iyo.

Kung ok lang naman sa kanya, mararamdaman mo naman iyon. Kapag open siya sa pagiging magkaibagan ninyo, e ‘di ayos! Mas magkakakilala kayo ng lubusan. Always be nice, huwag kang kakabahan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with