^

Dr. Love

May lahing baliw ang gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Dalawang taon ko nang girlfriend si Precy at sa loob ng mga panahong iyan, may mga kakaiba siyang ikinikilos. Halimbawa, pabagubago ang kanyang gusto. Magyayaya siyang mamasyal sa Tagaytay tapos kapag susunduin ko na siya at nakapaghanda na ng babaunin, biglang ayaw na niyang magpunta roon.

Noong una, inakala kong bahagi ito ng idiosyncrasy ng isang babae. Kasabihan kasi na ang mga babae ay madaling magbago ang isip.

Pero napapadalas itong mangyari at minsan ay naiirita na ako. Nagbilin siya sa akin na pasalubungan ko siya ng fried chicken. Nang dalawin ko siya, dala ang ibinilin niya, sinabi niyang hindi siya kumakain ng manok.

Hanggang sa nabalitaan ko na may lahi pala silang may manic depression. Ang kanyang ama ay nagpakamatay sa mental hospital. Mayroon ding kapatid ang tatay niya na nasi-raan ng bait.

Tama bang hiwalayan ko siya dahil sa na-balitaan ko?

Randy

Dear Randy,

Hereditary ang kapansanan sa isip at kung makakatuluyan mo siya, baka magkaroon kayo ng supling na mamamana ang sakit sa pag-iisip.

Iyan ang pinakamasakit kung mangyayari man. Pero minsan, ang kapansanang ito ay hindi agad nagma-manifest sa mga anak sa unang henerasyon pero maaari pa ring lumitaw sa susunod na mga salinlahi.

Gayunman, may kasabihan na ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya at hindi inaalintana ang kapansanan ng taong minamahal.

Kung mas matimbang sa iyo ang posibleng mangyari sa iyong future children, makabubuti nga marahil na hiwalayan mo siya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with