^

Dr. Love

Manyakis ang bayaw

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Malou, 32 anyos at isang mananahi. Hindi ko alam kung bakit wala akong hilig makipagligawan kaya dalaga pa ako hanggang sa ngayon.

Ang problema ko ay ang bayaw ko na live-in partner ng nakababata kong kapatid. Limang buwan pa lang silang nagsasama at nakapisan sa aming bahay na dati’y kaming dalawa lang magkapatid ang nakatira. Dalawa lang kaming anak ng aming mga magulang na parehong wala na.

Manyakis ang bayaw ko. Madalas, habang naglilinis ako ng bahay, nakatitig siya sa akin at nakapamulsa pero halatang hawak ang kanyang pagkalalaki. Sinumbong ko na siya sa bunso kong kapatid pero ang sabi’y magpasensya na lang ako.

Nasundan ang pambabastos niya sa akin nang himashimasin niya ang aking puwetan. Hinataw ko siya ng bote ng patis. Nang malaman ito ng kapatid ko, siya pa ang nagalit. Mahal ko ang kapatid ko pero hindi ba dapat na silang bumukod? Sabi niya, bahay rin niya ang tinitirhan namin at kung gusto ko ay ako raw ang umalis.

Ano ang gagawin ko?

Malou

 

Dear Malou,

Igiit mo ang pagkapanganay mo. Kinakasama niya lang ang lalaki na walang karapatan maki-pisan sa inyong tahanan. Kung nais niya, humanap sila ng matitirhan.

Ang nangyaring insidente ay i-report mo sa barangay para mapigil ang ano mang masamang tangka niya sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with