^

Dr. Love

Pinagtagpo ng hilig sa Anime

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Eugine. May ka-chat ako sa fb, si Cristie. Pareho kaming mahilig sa anime. Member kami ng mga toy collectors sa fb. Nagsimula lang ang communication namin dahil sa binenta ko online ang 8 inches na Luffy. Marami ang nagkakagusto sa marineford Luffy original. 2K ang last price ko.  

Binabarat kasi ng iba kaya ayaw kong ibigay. Si Cristie lang ang nagsabi na i-reserve ko para sa kanya at magdaragdag pa siya ng 200 pesos para lang hindi ko na ibigay sa iba. 

Kaka-chat ko kay Cristie, nagkakasundo kami sa mga collections namin. Mas gusto niya raw ang anime kaysa sa mga superheroes na collections. Taga Bagiuo siya kaya ini-enjoy lang niya ang bakasyon. 

Hanggang nag-aya siya na mag-join kami sa mga cost plays and exhibits. Nakakatawa nga hindi ko siya makita noong unang meet up namin sa SMX. Naka-costume kasi siya ng Sakura kaya pala hanap ako ng hanap, katabi ko na pala siya. 

Masaya naman kami sa mga pinag-gagawa namin. Kaso umpisa na ng pasukan, uuwi na siya sa Baguio. Hoping na magkita kami uli. Tuloy pa rin naman ang communication namin. Kaso nakaka-miss lang dahil hanggang online na lang kami magkikita. Ewan ko, mas nagiging masaya ako ‘pag nakikita ko siya. 

Eugine

Dear Eugine,

Nakakatuwa naman ang experience mo.  Marami na ngayong nahuhumaling sa anime kahit nga matatanda o maging ang mga arista, nag-e-enjoy rin na mangulekta ng mga toys maging original o hindi. Anyway, totoo nga ‘yung kasabihan na bird with the same feather flocks together. 

Huwag mo namang damdamin kung bihira na kayo magkikita ni Cristie. Syempre priority muna ang pag-aaral bago ang mga nakahiligan. 

Tuloy naman ang communication ninyo kaya enjoy lang at kung may pagkakataon, magkita kayo uli ay mas lalong magiging masaya kayo.  Enjoy your friendship o kung mas maging malalim pa ang inyong bonding, eh ‘di mas masaya ang buhay. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with