^

Dr. Love

Misis, mas active sa fb kaysa gawaing bahay

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang asawa ko ay laging active sa fb. Post nang post ng kanyang my story at reel. Umaasa siya na ma-monitize ang kanyang fb account. Ang sabi ko, walang mangyayari sa mga pinaggagawa niya. Inimbento lang ni Meta ang ganun, sistema para marami ang mahumaling sa kaka-fb.

Parang nasisiraan na ng bait ang misis ko. Kundi nagsasayaw, nagsasalita ng mag-isa. Minsan kung anu-ano pa ang ginagawa niyang costume. Parang taga gubat. Minsan albolaryo ang tema niya.

Imbes na sabihan niya ang mga anak namin na tumigil sa kaka-fb, hayun siya pa ang pasimuno.

Kailangan daw niya ng maraming engagement at followers. Eh, hanggang ngayon wala pa rin 1k ang followers niya.

Nauubos kasi ang oras niya kakagawa ng video. Minsan hindi na nakakapagluto ng ulam namin. Maghapon siyang gumagawa ng mga props niya.

Natutuwa naman ako sa mga videos niya, pero nahihiya ako sa mga kamag-anak niya. Baka sisihin nila ako bakit pinababayaan ko ang misis ko na nagwawala sa social media.

Dodoy

Dear Mang Dodoy,

Ang pagawa ng mga videos ang trending ngayon. Kahit sino ay pwedeng kumita sa mga content na napapanood ng mga tao. Totoo naman na may pera sa social media. Napatunayan na ito ng marami lalo na noong panahon ng pandemic.

‘Yun lang, dapat kausapin mo ng masinsinan si misis na huwag kalimutan ang kanyang tungkulin sa inyo.

Gawin lamang niya ang props at video niya kapag tapos na niya ang kanyang mga obligasyon sa inyo.

Wala namang masama lalo na kung magaganda ang content ng misis mo. Minsan tulungan mo siya na baka pwede ‘yung pagluluto niya ang gawan niya ng videos. Minsan, video-han niya habang naglilinis siya ng bahay ninyo para nagagawa na niya ang tungkulin, nakaka-inspire pa siya ng ibang tao.

Sayang rin naman ang pagkakataon na makabahagi kayo ng mgagandang videos sa ibang pamilya.

Iwasan na lamang niya ang mga walang kwentang content.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with