^

Dr. Love

Kiss mark sa ID lace

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang po akong Lenlen. Alam ko naman po na faithful sa akin ang aking bf. Actually during collage life namin, nakita ko ang efforts at support niya sa akin.

Nito lang after ng aming graduation ball, medyo nagkatampuhan kami. Dahil lang sa ID niya na isinauli ng klasmeyt niya, nalaglag daw niya sa hotel. At sa harapan ko pa mismo ibinigay. Habang kumakain kami sa canteen.

Wala lang sana, maliit na bagay. Pero ang biro ng klasmeyt niyang lalaki, “huwag daw siyang mag-iiwan ng ebidensiya.”

Bigla kayang nagpantig ang tenga ko. Nakita ko kasi ang ID lace niya na may kiss mark kaya ako nagalit. Tumahimik ako, tumayo at lumakad papalayo. Hinabol niya ako at sinabi niyang totoong nawawala ang ID niya.

Tinanong ko siya kung paano niya ipaliliwanag yun. Siya naman ang tumahimik at biglang sinabi na ang babaw ko daw at hindi ko muna inaalam ang lahat. Pwedeng may mali ako sa naging attitude ko, pero sino ba naman ang hindi maiinis sa pangyayaring iyon.

Feeling ko… napahiya ako sa mga taong nasa paligid namin nang nagsalita pa ang isang klasmeyt niya.

Lenlen

Dear Lenlen,

Baka naman nagkatuwaan lang sila. Natural lang naman ang naging reaksiyon mo.

Just be open kung sakaling magpaliwanag ang bf mo sa iyo. Hayaan mo muna siyang magpaliwanag para malaman mo ang tunay niyang dahilan.

Kung mukha namang sincere ay patawarin mo. Ikaw, humi-ngi ka rin ng tawad sa kanya sa naging attitude mo. Sabihin mong hindi mo gusto ang nangyari at ayaw mo ng ganoong biro kung biro man iyon.

Tanggapin mo na lang, na isang challenge ito sa relationship ninyo. Kung hanggang saan mo siya pagkakatiwalaan. Ganoon din naman sa kanya kung gaano niya maipapakita ang kanyang katapatan sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with