^

Dr. Love

Ang liham ni Marie

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo, Dr. Love at sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng aking sulat.

Tawagin mo na lang akong Crisanto, 25 taong gulang.

May kinakasama akong babae sa loob ng limang taon. Sabik na sabik na akong magkaroon kami ng anak pero hanggang ngayon, wala pa.

Mahal ko si Marie at may plano na kaming magpakasal.

Nagpa-checkup ako sa duktor at wala naman akong problema. Kinukumbinsi ko siya na magpasuri din pero ayaw naman niya.

Siguro ay sinusumbatan siya ng kanyang budhi kaya minsan, may ipinagtapat siya sa akin. Hindi na raw siya magkakaanak dulot ng pinagdaanan niyang operasyon noon na nakaapekto sa kanyang matres.

Umiyak siya sa harap ko, nagso-sorry dahil natatakot daw siya na hiwalayan ko siya kapag nalaman ko ang tungkol sa kawalan niya ng kakayahang bigyan ako ng anak.

Dr. Love, gusto ko magkaroon ng malaking pamilya. Nagagalit ako sa sinabi niya. Naawa rin ako sa kanya, pero hindi na ko sigurado kung itutuloy ko pa ang pagpapakasal namin.

Alam kong masasaktan siya, paano ko po ba dapat sabihin sa kanya?

Pagpayuhan po ninyo ako.

Crisanto

Dear Crisanto,

Kung inaakala mong ang kawalan ninyo ng anak ay pagmumulan ng problema sa inyong pagsasama, mas ma-buting makipagkalas ka na lang, para minsanan lang ang sakit na madarama niya.

Talagang masakit at mahirap ang maki-paghiwalay.

Pero in a way hindi siya naging tapat sa’yo nang itago niya ang katotohanan na hindi ka niya mabibigyan ng anak.

Kung ipapasya mong pakasalan siya dahil naaawa ka lang, hindi ‘yun ok.

Mabuti nga at hindi pa kayo kasal, at least hindi na mangangaila-ngan ng annulment ang inyong pagsasama.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with