^

Dr. Love

Umibig sa kuya ng kaibigan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Isabela ay matalik kong kaibigan simula pa sa grade school.

Mahigit pa sa magkapatid ang turingan namin sa bawat isa. Ino-open namin sa isa’t isa ang nagiging problema namin sa buhay, maging ito ay pamilya, school atbp.

May kuya siya na 50 years old na at isang biyudo. Napakamagiliw sa’kin ng kuya niya.

Dahil dito inakala ko na may gusto siya sa akin.

Malambing pa at lagi akong sinasabihan na mag-iingat.

Napagkamalan kong may pagmamahal ‘yun. Hindi ko sinabi kay Isabela ang tungkol dito dahil baka masamain niya.

Minsan, may usapan kami ni Isabela na magkikita sa kanilang bahay para mamasyal. Naroroon ang kuya niya at sinabing may binili lang daw sandali si Isabela sa grocery.

Habang naghihintay, kinausap ako ng kuya niya. Dr. Love, kinilig ako, lalo na nang hinawakan niya ang kamay ko.

‘Di ko tuloy napigilan na yakapin siya at halikan sa pisngi. Bagay na ikinagulat niya at bahagya akong tinulak na papalayo.

Sinabi niya na huwag kong bibigyan ng ma-ling interpretasyon ang pagiging magiliw niya sa akin dahil parang tunay na kapatid lang ang turing niya sa akin.

Nang dumating si Isabela, naputol na ang pag-uusap namin.

Dr. Love, mahal ko ang kuya ni Isabela. Ano ang gagawin ko?

Sofie

Dear Sofie,

Control your emotion at huwag ka nang magpakita pa ng motibo ngayong nalaman mo na-misinterpret mo ang ipinakikitang closeness sa iyo ng kuya ni Isabela.

Sa bagay biyudo na ang kuya ng kaibigan mo, pero kung may gusto siya sa iyo, hintayin mo na lang siyang manligaw. Huwag kang gagawa ng ano man na baka makasisira lang sa pagkakaibigan ninyo ni Isabela.

Hanga ako sa kuya ng kaibigang mo dahil hindi siya mapagsamantala at agad ka niyang sinabihan na kapatid lang ang turing niya sa iyo.

Pero ang lalaki ay lalaki. Baka dumating sa puntong  bumigay siya dahil sa pagpapakita mo ng motibo.

Dr. Love

vuukle comment

ISABELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with