^

Dr. Love

Pretty Boy tameme kay Pretty Girl

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Pretty Boy. Marami na akong napasagot na babae. Na-chal-lenge ako sa magandang na babae na tinatawag nilang Pretty Girl, wala pa raw pumapasang lalaki dahil magaling daw maglaro ng feelings.

Viral sa Instagram at Tiktok ang babaeng ito. Nagkataon na pinsan siya ng barkada ko.  Kung talagang astig at sakalam ang kagwapuhan ko, subukan ko raw pasagutin si Pretty Girl.

So, sinabihan ko ang barkada ko na ipakilala niya ako sa pinsan niya at ako na ang bahala. Bago pa kami magkita pinag-aralan ko na ang mga steps ko para mahulog ang loob niya sa akin.

Pinag-meet up niya kami. Nang makita ko siya, bigla akong kinabahan. Hindi ko naman nararamdaman ang ganun sa ibang babae. Lahat ng plano ko, nawala. Humanga ako sa pakikitungo niya sa akin, na kabaliktaran sa sinasabi nila na mahirap pakibagayan.

Alam niya ang balak namin at kilala niya akong mabilis sa chicks. Wala akong nagawa kundi ang makinig sa mga pambubuking niya sa mga kalokohan ko. Pinagpawisan ako ng malamig at parang susuko na ako. Pero may magandang part pa rin, binigyan niya ako ng pagkakataong ligawan siya, sa isang kundisyon... siya ang masusunod kung kailan at paano ko siya liligawan.

Dr. Love, tinamaan talaga ako sa kanya. Ang problema ko ngayon, baka hindi ko siya mapasagot. Lagot ako nito kung mauwi sa wala ang panliligaw ko.

Pretty Boy

Dear  Pretty Boy,

May kasabihan na minsan matatagpuan mo rin ang katapat mo. Pero huwag kang mabahala, hayaan mo ang sitwasyon ang magdala sa’yo sa tamang direksiyon.

Totohanin mo para makita niya ang iyong sincerity. Ngayon kung siya ang hindi seryoso, mararamdaman mo naman iyon. Kung mapasagot mo siya, mabuti; kung hindi naman, eh…charge to experience.

Dr. Love

vuukle comment

PRETTY BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with