^

Dr. Love

Mister nagiging halimaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko maunawaan ang mister ko. Marami ang nagsasabing naiinggit daw sila sa akin dahil napakauliran niya, responsable at maaruga sa pamilya. Totoo naman ang lahat ng sinasabi nila pero mayroon silang hindi nalalaman. May pagkakataong bigla na lang nagiging parang halimaw ang mister ko.

Tawagin mo na lang akong Ressa, 30 anyos at may tatlong anak.

Ordinary employee ang asawa ko sa isang kompanya. Hindi gaya ng ibang lalaki, wala siyang bisyo. Kahit maliit lang ang sahod niya ay buong-buo niyang iniintrega sa akin.

Nagtataka ako dahil may pagkakataong tila nagbabago ang kanyang pagkatao. Pinagbubuhatan muna niya ako ng kamay at pinagsasasampal bago makipag-sex.  Kailangang umiyak muna ako at manlaban sa kanya dahil ang gusto raw niya ay ‘yung para niya akong nire-rape.

Ayaw ko ang ginagawa niya. Gayunman ay pilit ko na lang siyang inuunawa.

Kapag nasa katinuan at kinakausap ko, hindi rin daw niya maunawaan ang sarili. Hindi raw niya gustong saktan ako pero para raw siyang sinasaniban ng bad spirit na hindi niya kayang labanan.

Mababago pa ba ang gawaing ito ng a-king asawa? Ano po ang maipapayo ninyo?

Ressa

Dear Ressa,

Sa palagay ko, kailangan ng asawa mo ang professional help. Hindi man ako doktor sa pag-iisip, tingin ko ay may psychological disorder ang asawa mo. Ikonsulta mo siya sa  isang clinical psychologist o psychiatrist.

May mga taong nagkakaroon ng sexual arousal kapag nasasaktan nila ang kanilang asawa.

Sadista ang tawag sa kanila.

Kahit isa siyang ulirang ama ng tahanan, kailangang magamot ang karamdaman na iyan ng kanyang pag-iisip. Hindi mo dapat tiisin  na lang ang maling ginagawa niya sa iyo.

Ang karamdaman, pisikal man o sa psychological ay dapat ipagamot sa dalubhasa.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with