^

Dr. Love

Hindi na magkakaanak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Miles, 21 anyos at engage sa aking boyfriend for two years.

Isang bagay ang hindi ko naipagtapat sa aking boyfriend dahil sa takot na ako ay hiwalayan niya. Sabi ng doktor, hindi na ako pwedeng magkaanak.

Noon kasing 18 anyos ako ay na-diagnose akong may tumor sa matris.

Kinailangang operahan ako para maagapan ang tumor at hindi na maulit sa cancer. Matapos ang operasyon, sinabi ng doktor na ligtas na ako pero hindi na ako pwedeng mag-ovulate at mabuntis.

Nalungkot ako nang malaman ko ito, pero sabi ng aking mga magulang, mas mabuti na ang nangyari kaysa mamatay ako dahil sa cancer. Katagalan ay natanggal ko na ito.

Kapag nag-uusap kami ng boyfriend ko, sinasabi niya na gusto niya ng malaking pamilya para masaya. Kaya naman niyang magtaguyod ng malaking pamilya dahil mayaman siya.

Dahil sa mga sinasabi niya ay lalo akong natatakot magsabi ng tunay kong kalagayan. Ngayon ay gusto niyang makasal na kami sa December. Ano ang dapat kong gawin?

Miles

Dear Miles,

Pinakamabuti na ipagtapat mo sa kanya ang totoo. Kung makakasal kayo at malaman niya ang iyong totoong kalagayan na hindi mo siya maaaring bigyan ng anak, pwede ka niyang hiwalayan sa pamamagitan ng annulment.

Maaaring mahirap gawin ang magtapat pero iyan ang pinakamabuti mong gawin. Kung tatanggapin ka niya sa kabila nito, eh ‘di para kang nabunutan ng tinik. Wala na siyang balidong dahilan para ipawalang bisa ang inyong kasal dahil nagtapat ka sa una pa lang.

Isa pa, magiging unfair ka sa kanya kung hindi ka magsasabi ng totoo dahil umaasa siya na mabibigyan mo siya ng malaking pamilya, ‘yun pala ay hindi naman.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with