^

Dr. Love

Binabalikan ng masamang alaala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakabigat ng  problemang gumugulo sa aking isipan,  Dr.  Love. Tawagin mo na lang akong Felix, 40 anyos at may asawa.

Kinaliwa ako ng misis ko, may dalawang taon na ang nakalilipas.  Nahuli ko siyang nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo sa mismong silid namin nang minsang sa hindi inaasahan ay umuwi ako ng maaga.

Hinimatay ako sa aking nakita at nang mahimasmasan ako ay asawa ko na lang ang nasa silid dahil umalis na ang lalaki niya. Umiiyak siya at humingi ng tawad.

Wala kaming katulong at dalawa lang kami sa bahay, dahil wala kaming anak.  Alam ng misis ko na mahal ko siya, kaya madali akong nakapagpatawad.

Nangako siyang hindi na uulit at mula noon ay hindi ko na nakita ang lalaking yaon.

Sa kabila nito,  may mga pagkakataon,  lalo na kung ako’y nag-iisa na bumabalik ang mga alaalang yaon at gusto kong saktan ang misis ko.

Nakita ko naman ang malaking ipinagbago ng aking misis, pero lagi akong ginugulo ng pangit na alaala.

Ano ang gagawin ko? Natatakot ako na baka kung anong masama ang magawa ko sa kanya.

Pagpayuhan mo ako.

Felix

Dear Felix,

Ayon sa Salita ng Diyos,  “God doesn’t keep a record of wrong”. Kapag pinatawad tayo ng Diyos para bang wala tayong ginawang kasalanan.

Ganyan din dapat tayo magpatawad. Lahat tayo ay na-kagagawa ng kasalanan at ano mang pagkakamali natin ay may katumbas na kapatawaran.

Kung binabalikan ka ng masamang alaala, hindi lubos ang pagpapatawad mo.

Mahirap mang gawin, magagawa mo ito sa tulong ng Panginoon.  Ibaon mo na sa limot ang nangyari.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with