^

Dr. Love

Mangkukulam?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay mula sa isang malayong lalawigan at may kaibigan akong naninirahan sa isang maliit na barangay sa paanan ng bundok. Bagamat maunlad na ang aming lalawigan ay mayroon pa rin namang mangilan-ngilan na nananatili ang tinatawag na provincial ambiance. Tawagin mo na lang akong Delfin, 21 anyos.

Minsan inimbitahan kaming magkakakabarkada ng kaibigan ko sa kanyang birthday party, napakalayo ng nilakad namin hanggang makarating kami sa isang lugar na mukhang ‘di pa masyadong naaabot ng kabihasnan.

Doon ko nakilala si Myrna, isang napakagandang dalaga. Lahat kaming magka-kabarkada ay napa-wow sa angkin niyang karilagan. Kahit taga-baryo, maputi at malinis ang kanyang kutis.

Nang tanungin namin ang aming kaibigang tagaroon kung bakit hindi niya diniskartehan ang magandang dalaga, sabi niya, may ibubulong daw siya sa amin maya-maya.” Nagtaka kami sa sasabihin niya. Ano kayang lihim ang itinatago ni Myrna?

Nang ihatid kami ng kaibigan namin sa bayan, doon niya sinabi ang dahilan kung bakit iniiwasan ng mga kabinataan sa kanilang lugar ang magandang dilag. Mangkukulam daw ang mga lolo at lola niya at pinatay ng taumbayan.

Naniniwala ba kayo sa kulam? Gusto ko kasing balikan si Myrna para ligawan.

Delfin

Dear Delfin,

Naniniwala ako sa Bibiliya kaya naniniwala ako sa mga bagay na supernatural tulad ng pangkukulam. Pwedeng totoo at pwede ring urban legend lang ang paratang kay Myrna na sinasabing apo ng mga mangkukulam.

Pero totoo man ito, hindi naman pwedeng sabihin na komo mangkukulam ang mga ninuno ay mangkukulam na rin siya.

Kung wala namang record na siya ay may kinulam na sa kanilang lugar, unfair naman na paratangan siya.

Isa pa, kung na-ngungulam man ang tao ay dahil sa masamang espiritu na lumulukob sa kanya na pwede namang mawala sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with