^

Dr. Love

Kumupas ang beauty

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masyado akong na-in love sa misis kong si Tricia nang niligawan ko siya. Sobrang ganda to the max  at malinis manamit. Marami siyang manliligaw noon at hindi ito katakataka dahil sa taglay niyang pam-beauty pageant na kagandahan. Tawagin mo na lang ako Leo, 43 anyos.

Nang sagutin niya ako ng oo ay para akong tumama ng jackpot sa lotto kaya hindi ko na siya pinakawalan at niyaya ko agad na magpakasal. Pumayag naman siya dahil matatag naman pareho ang aming hanapbuhay. Nagtatrabaho siya bilang accountant sa isang bangko habang ako ay isang bank manager sa naturang ding bangko.

Walong taon na ang lumipas at tumigil na siya sa pagtatrabaho upang mag-concentrate sa pagiging full time housewife. Dalawa na ang aming anak ngayon, na ang panganay ay anim na taong gulang at ang bunso ay isang taon pa lang.

Mahusay siya sa gawaing bahay. Da-ngan nga lamang at napabayaan niya ang kanyang katawan. Mataba na siya ngayon at kung darating ako mula sa trabaho ay amo’y kusina siya palagi, luma at punit na duster ang suot. Hinahanap ko ang dating pam-beauty queen na kagandahan ang magara niyang pananamit. Ayaw ko namang sabihin ito sa kanya at baka mainsulto.

Ano ang maaari kong gawin?

Leo

Dear Leo,

Napakapalad mo at nakakuha ka ng isang ulirang asawa. Look at the situation on it’s positive side.

Nagmula siya sa pagiging career woman at mada-ling nakapag-adjust sa pagiging simple housewife na ginagampanan ang tungkulin sa pamilya sa loob ng tahanan.

Maaaring sa sobrang sipag niya sa gawaing bahay ay wala na siyang time para ayusin ang sa-rili. Puwede mo naman siyang pagsabihan na maghinayhinay sa gawaing bahay at maglaan ng oras para ayusin ang sarili, gaya nang dati. Maaari mong sabihin ito sa parang madiplomasya at hindi niya daramdamin.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with