^

Dr. Love

Naburyong si mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Veronika. Iniwan kaming mag-ina ng asawa ko sa kabila ng pangako niyang hindi ‘yun gagawin. At ang ugat ay ang tsismis na lumalandi raw ako sa ibang lalaki. Nagalit siya sa akin.

Paanong hindi ako aalis ng bahay eh nagtitinda ako ng mga kakanin para makasapat sa amin. Maliit lang ang kanyang sweldo. Driver siya sa isang factory ng candy sa Balut.

Ayaw niya akong gumala, paano naman kami kakain ng maayos. Ilang araw lang silang may pasok nitong mga nakaraan. Siguro naburyong, nagsisigaw at nawala sa bahay hanggang sa umalis na lang at hindi na nagpaalam. Alam ko namang nasa Bicol lang siya.

Doon siya mag-isa para makaiwas sa obligasyon niya sa amin. Ganyan naman siya lagi. Ewan ko kung babalik pa siya.

Sinayang niya ang kanyang trabaho. Kahit sana konti basta may kinikita siya. Hayun alam niyang hindi siya magugutom doon dahil naroon lahat ang kanyang kamag-anak.

Bahala siya, hindi ako magmamakaawa sa kanya. Parang ako pa ‘yung masama at hindi matino ang pag-iisip.

Ayoko na lang maapektuhan pa ang anak ko. Kaya ko ito, sanay naman ako sa hirap. Sa asawa ko, kung mababasa mo ito, huwag na huwag kang uuwi ng bahay kapag wala kanang makain dyan sa lugar ninyo.

Veronika

Dear Veronika,

Hindi maalis sa mag-asawa ang may tampuhan o matin-ding away. Kailangan ninyong mag-usap ng maayos para maging ok rin ang takbo ng buhay ninyo.

Walang mangyayari kung pareho kayong susuko sa problema at magsisisihan. Alang-alang sa mga anak ninyo, ayusin ninyo ang inyong pagsasama. Dahil maaapektuhan talaga ang bata sa inyo.

Sige hayaan mo muna siyang magpakalma sa kanila kung talagang umuwi siya ng Bicol. Baka naman nariyan lang sa paligid ninyo at humahanap ng ti-yempong makauwi uli.

Hindi masusulusyunan ang pro-blema ng isa pang problema. Kaya mas mainam na magpatawaran kayo at magtulungan para sa bata.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with