^

Dr. Love

Hindi matanggap ang pagkatalo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko lang i-share ang nangyari sa kapatid ko. Hinahangaan ko siya dahil sa sobrang talino niya. Lagi siyang honor from elementary hanggang senior high school. Siya ang sinasali sa mga contest ng aming school.

Excellent talaga ng performance niya pero bigla na lang siyang nawalan ng gana sa buhay, dahil sa isang contest na kanyang sinalihan. National contest ito at second place lang siya at hindi niya matanggap ang kanyang pagkatalo.

Simula noon, hindi na siya kumibo at ayaw nang lumabas ng bahay.  Mabuti nga ngayon nakikipag-usap na siya pero lagi niyang sinasabi na bobo at napakabobo niya.

Hindi pa namin siya pinapadoktor kasi baka lalo siyang mag-resist at maging marahas.

Naaawa po ako sa kanya, dahil kahit sobrang talino niya hindi niya matanggap ang kanyang kabiguan. Sana po matulungan po ninyo ang kapatid ko.

Billy

Dear Billy,

Hayaan n’yo lang muna na maghilom ang kanyang kalooban. Talagang mahirap sa kanya ang naranasan niya. Kung sa atin, ok lang ‘yun pero sa kanya big deal ang nangya-ring ‘yon. Kaya hindi niya kaagad matanggap ang biglaang pagkatalo niya.

Pero mainam na nariyan kayo palagi para matulu-ngan siya. Give him words of encouragement and continue appreciating his good qualities.

Kung makuha sa encouragement ay ok, pero kung nagiging matindi ang kanyang depression, kailangan nang kumunsulta sa doktor para matulungan siya nang maigi.

DR. LOVE

 

 

 

 

vuukle comment

SENIOR HIGH SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with