^

Dr. Love

Napilayan sa pagpanaw ni Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maagang kinuha ni Lord ang mister kong si Raymart sa edad na 41-anyos. Maalwan ang buhay ko sa kanya na isang used car dealer. Ako naman, buhay senyorita. Enjoy ako dahil wala kaming iniintinding anak. Nakatira kami sa isang simpleng condo unit na nabili ng asawa ko nang binata pa siya.

Tawagin mo na lang akong Claudia, 34-anyos at limang taon nang kasal sa kanya nang namatay siya sa heart attack last month. Aaminin kong napilayan ako sa kanyang pagkawala.

Maging sa pagkadalaga ay buhay senyorita ako sa aking mga magulang bilang nag-iisang anak. Hindi kami mayaman kundi average lang. Nang mamatay ang mga parents ko, ang tanging naiwan sa akin ay ang aming maliit na bahay na pinauupahan ko ng walong libong piso kada buwan, at isang milyong piso sa bangko.

Hindi natitinag ang pera ko sa bangko dahil sa malaking kita ng mister ko. Kaso, one day millionaire kami kaya wala ring ipon. Nang mawala siya, hindi ko alam ang gagawin ko. 

May cash on hand siyang naiwan na kalaha-ting milyong piso pero papaano kung maubos na ito?

Pagpayuhan mo po ako.

Claudia

Dear Claudia,

Magsilbing aral nawa ang kasaysayan mo sa iba na hindi iniisip ang bukas. Mahirap talaga ang situwasyon mo kung hindi mo alam pangasiwaan ang salaping nasa palad mo. Tiyak na mauubos talaga iyan.

Pero kung ininegosyo mo ang pera mo sa bangko, puwede ka nang mabuhay, hindi nga lang kasing-ginhawa ng dati pero sa paraang may kasamang pagpapatulo ng pawis at pagsisikap. Mabuti nga, may bahay kang pinauupahan na makakatulong sa iba mong pangangaila-ngan.

Kung may mga kaibigan kang marunong sa negosyo, basta’t mapagkakatiwalaan, magpaturo ka sa kanila. Isaisantabi mo na ang dati mong buhay senyorita at magsimulang magsikap para sa iyong kinabukasan.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with