^

Dr. Love

Takot ipaalam ang ‘relasyon’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat po ako kasi natatakot akong malaman ng iba ang relasyon ko sa isang voluteer student na kasama ko sa department kung saan student assistant naman ako.

Ang worry ko ay baka matanggal ako sa scho-larship kapag nalaman ng boss ko ang tungkol sa amin ng boyfriend ko.

Lagi kaming magkasamang kumain noon at minsan kapag may assignment ako, tinutulungan niya ako. Sa totoo lang nabaitan ako sa kanya. Very gentleman at thoughtful. Tahimik naman siya. Ako pa nga ang laging kwento nang kwento ng kung anu-ano. Hanggang sa nahulog na nga ang loob ko sa kanya.  Pagkalipas ng ilang buwan, sinagot ko na siya.

Maraming staff na ang nagtatanong ng tungkol sa kung ano ang meron sa amin. Pinayuhan nila kami bago pa makarating sa boss namin. Ang matindi, hindi pa alam ng parents ko ang pinaggagawa ko. 

Nakita na po ng boss ko at ni mama ‘yung post ko na magkasama kami ng bf ko. Pero ang sinabi ko, magkaibigan lang kami.  Paano po kaya? Kasi po nag-aalala ako baka matanggalan ako ng scholarship. 

Chelska

Dear Chelska,

Wala naman silang dapat pakialaman sa love life n’yo. ‘Yun lang, dapat kasi sa isang office alam ng bossing ang nangyayari sa mga empleyado ng kompanya o ng school. Ingat kayo sa kilos ninyo at sa mata ng iba, kasi baka mapansin kayo at hindi na pagsamahin sa iisang opisina.

Ang mas mabuti ay kausapin mo ang boss mo at ang mama mo sa maayos na paraan. Gusto lang naman ng isang boss na maayos ang trabaho.

Ang isang magulang naman ay naghahangad na makatapos ng pag-aaral ang kanilang anak.  Huwag kang matakot, be honest and always respect the office. Kargo pa rin kayo ng boss ninyo kung may mangyari sa inyo na hindi nararapat.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DR. LOVE

RELASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with