^

Dr. Love

Miss na ang Tatay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpaalam ako kay tatay at unti-unti na niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Isang taon nang patay si tatay. ‘Yan ang huling tagpo na ipinagdasal ko na siya, na kunin na siya ni Lord.

Ilang buwan ding nakaratay sa sakit si tatay dahil sa katandaan at kumplikadong mga sakit.

Malakas kasi siya uminom noong kalakasan pa niya at dahil na rin sa pagwawalang bahala niya sa kanyang mga nararamdaman. Hindi ko nga akalain na aabot pa siya sa edad na 76.

Ayaw na ayaw niyang magpapadala sa ospital dahil ang katwiran niya, sa ospital lalong lalala ang kanyang sakit.

Nang siya ay madulas sa aming banyo. May lagnat siya noon. Hindi na niya nakayanan, hindi dahil sa ospital kundi, hindi niya sinabi na may kumikirot na pala sa kanyang tiyan kaya siya nanghihina at patuloy na nilalagnat.

Ilang linggo rin kami sa ospital. Sinabihan na kami ng doktor na talagang hindi na makaka-recover si tatay dahil sa liver cancer. Nagdesisyon kaming iuwi na lang si tatay sa bahay. Ilang linggo pa namin siyang nakapiling bago niya kami iniwan. Hawak-hawak ko noon ang kamay niya, pinaubaya ko na siya kay Lord. Pumatak ang luha ko at kitang kita ko na pumikit na siya at nawalan ng hininga. Nakaka-miss lang, ngayon dadalawin namin siya sa sementeryo. 

Maraming salamat po.

Lanie

Dear Lanie,

Maraming salamat din sa ibinahagi mo. Ang buhay ng tao ay may hangganan. Kaya nga napakahalaga ng oras na dapat nating inilalaan para sa ating mahal sa buhay.

Ganoon naman, kung kailan na kukunin na ni Lord ang taong mahal natin saka naman natin isu-surrender  sa Kanya. Kasi nga parang kulang pa ang naibigay nating pagmamahal. Huwag lang ninyong dalawin ang inyong tatay ha… dapat alayan ninyo ng bulakalak, ipagtirik ninyo siya ng kandila at manalangin kayong magkakapatid o sinumang kasama mong dadalaw. 

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with