^

Dr. Love

Masamang panaginip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Madalas sa aking pagmumunimuni, naiisip ko na sana’y magising na ako sa masamang panaginip na aking kinaroroonan ngayon. Puro na lang pagtitiis ang ginagawa ko sa piling ng aking brutal na asawa.

Tawagin mo na lamang akong Lolit, 30-anyos na kasama sa hanay ng mga kababaihang hindi sinuwerte sa buhay may asawa. Walong taon na ngayon akong nagtitiis sa piling ng aking napa-ngasawa na bukod sa iresponsable ay mabisyo pa at nananakit. Gumon siya sugal at laging lasing kung umuwi.

22-anyos ako nang pakasalan ko siya sa utos ng aking mga magulang dahil nagpakilala siyang mayamang negosyante. Lagi kasi siyang namimili ng damit sa tindahan namin sa Baclaran noon at na-impress ang aking mga magulang.

‘Yun pala ay puro hiram lang sa kanyang mayamang kaibigan ang kotseng ginagamit niya at ang bulto-bultong pinamimili niya ay sa kaibigan niyang negosyante at hindi kanya.

Ayaw ko sa kanya pero isa akong anak na sunud-sunuran sa magulang. Ngayon kapwa patay na ang tatay at nanay ko, wala na akong madai-ngan sa malas na kinasadlakan ko. Nagsara na rin ang tindahan namin ng damit. Wala rin akong mga kapatid na puwedeng lapitan sa problema ko.

Kaya ang dalangin ko lagi ay kunin na ako ng Diyos o kaya ay maging panaginip lang ang sitwasyon na dinaranas ko at magising na ako sa dusang hindi ko na matiis.

Malupit ang mister ko at walang araw na hindi niya ako sinasaktan. Mabuti at wala kaming anak. Pagpayuhan po ninyo ako.

Lolit

Dear Lolit,

Kung sinasaktan ka niya palagi at nabibingit sa kapahamakan ang buhay mo, lumayo ka sa kanya at pumisan sa iyong mga kamag-anak. Ulilang lubos ka man at walang kapatid, tiyak ko na may mga kamag-anak ka na kakalinga sa’yo. Sa ngayon ta-nging sila ang puwede mong gawing sandalan at hingan ng tulong.

May batayan ka rin para maghain ng annulment sa Korte para mapawalang bisa ang kasal mo sa malupit mong asawa. Kaya lang ay may kamahalan ang pagsasampa ng annulment, kaya pansamantala pumisan ka muna sa iyong mga kamag-anak at idemanda mo ang iyong asawa para magdusa sa kulungan.

Hindi ako pabor sa paghihiwalay ng mag-asawa pero sa kaso ng isang pinagmamalupitan gaya mo, may karapatan ang sino man na protektahan ang sa-riling buhay.

Dr. Love

vuukle comment

PANAGINIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with