^

Dr. Love

May pinagdaraanang pagsubok

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masama lang po talaga ang loob ko. Kasi po nakapagpupundar na kami ng asawa ko ng bahay dahil pareho naman kaming naghahanapbuhay, kung bakit ba naman may mga pagsubok na dumarating sa aming buhay.

Biglang nawalan ng trabaho ang misis ko, ‘yung sweldo niya ang pinanghuhulog namin sa bahay buwan-buwan.

‘Yung mga naibigay sa amin ng mga ninong at ninang namin ang aming pinang-down sa bahay na kinuha namin. Ok na sana, kasi napagkakasya namin ang budget sa araw-araw.

Nag-endo na siya noong June. Dapat May pa lang sinabihan na siya na kasama siya sa mga matatanggal. Sana nakapag-apply na siya, bago pa sila sabay-sabay na tsugiin. Hindi kami handa kaya ngayon namumroblema kaming mag-asawa.

Wala naman kaming mautangan at nahihiya rin kaming lumapit sa biyanan ko.

Mabuti na nga lang hindi kami sabay nawalan ng trabaho. Naku, kung magkaganon mas malala ang problema namin. Mag-iisang taon palang kaming nagsasama. Mabuti nga at wala pa kaming anak.  Hopefully makapag-apply na siyang muli sa ibang kumpanya.

Maraming salamat po at ipag-pray po ninyo kami na makagawa kami ng paraan para hindi kami magkautang-utang.

Kerjo

Dear Kerjo,

Konting tipid muna at i-budget ninyo nang maayos ang inyong natitirang pera. Huwag kang matakot na humiram ng pera kung talagang kailangan. Hindi ba ninyo ini-apply sa PAG-IBIG housing loan ang tinitirhan ninyo? Pwede mong i-try o kaya sa mga bangko.

Kailangan mag-focus kayo sa inyong kakayahan at sa mga pwedeng paraan para masolusyunan ninyo ang inyong problema. Sige, ipagdarasal ko rin kayo na maging maayos ang inyong financial concerns. Maraming salamat sa pagbahagi mo. Mabuti at natutulungan ka ng asawa mo. Doblehin mo ang iyong effort kung pwedeng mag-sideline ka, mas mainam.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with