^

Dr. Love

Madyungera si misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaking sakit ng ulo ko ang aking misis dahil sa labis niyang hilig sa madyong. Tawagin na lamang ninyo akong Luis, 39 years old at ang aking asawa naman ay matanda sa akin ng isang taon.

Noong bagong kasal kami, siya ang mareklamo tungkol sa pag-uwi ko ng atrasado sa oras, pero ito naman ay dahil nag-oovertime ako para sa kinabukasan namin.

Sa ambisyon kung mabigyan ng magandang kabuhayan ang aking pamilya, naging workaholic po ako. Siguro ito ang dahilan kung bakit  natuto siyang lumabas-labas kasama ang mga kaibigan. Noong una, pumapasyal lang siya sa kanyang kapatid bitbit ang aming bunso na 5 taong gulang pa lamang. Ang hindi ko alam, may madyungan na pala roon ang mga barkada ng kapatid niya, na mga abala rin ang mga mister sa pagtatrabaho.

Una’y pinagbigyan ko dahil sabi ko, paminsan-minsan lang naman. Pero nang kalaunan ay sa bahay na namin ginagawa ang madyungan.  Doon ko na siya pinagsabihan at nahinto ang madyong sa bahay. Pero nalipat naman ito sa bahay ng iba niyang kasama. Palagi na uling hindi ko nadaratnan sa bahay si misis at napapaba-yaan na niya ang groceries na kailangan sa bahay at pagtuturo ng homework sa mga bata. Nakaray na rin siya sa ballroom dancing at casino ng kanyang mga kasama.

Ano po ang dapat kong gawin?

Luis

Dear Luis,

Lahat ay madadala sa masinsinang pag-uusap. Kaya buksan mo ang komunikasyon sa iyong asawa. Sabihin mo sa kanya ang mga na-realize mong hakbang mo para mabago ito. Ipakiusap mo rin sa kanya ang mga bagay na gusto mong baguhin niya.

At ang pinakamahalaga, sa bawat araw ay ipakita mo sa kanya na hindi lang hanggang salita ang mga sinabi mo. Para hindi man biglaan ay unti-unti mong ma-touch ang kalooban ng iyong asawa hanggang sa tugunin niya ang mga pakiusap mo, alang-alang sa inyong mga anak. Sana’y huwag mong kakalimutan ang leksiyon na itinuro sa iyo ng hindi balanseng pagharap sa trabaho at obligasyon sa iyong kabiyak sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with