^

Dr. Love

Problema ang apo

SOUNDS FAMILIAR - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Retiradong guro na po ako at ang tanging pinagkaabalahan ay maitaguyod ang pagpapalaki sa aking mga apo.

Salamat sa Diyos at wala naman akong problema financially at healthwise. Lately lang po ay nag-aalala ako sa apo kong teenager, anak ng bunso kong si Amy.

Napansin ko po na tuwing magbabakasyon siya sa bahay, may mga nawawala sa aking gamit gaya ng pabango at iba pang beauty products na padala ng isa kong anak mula sa abroad.

Hindi ko po naman ipinagdadamot ito sa kanya kung sasabihin niyang gagamitin niya o kaya’y hihinging regalo dahil hindi siya nakakabili ng ganyang klaseng beauty products.

Nag-aalangan po akong sabihin ito sa kanyang ina o kaya’y sitahin siya dahil baka magdam­dam sa akin at hindi na magbakasyon sa bahay. Pero ang inaalala ko po ay maging habit niya ito at hindi lang sa akin gawin kundi maging sa iba pang bahay na pinupuntahan niya.

Payuhan mo po ako kung anong magandang approach na dapat kong gawin sa pagsita sa aking apo para hindi siya masanay mang-umit.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Arcing

Dear Arcing,

Sa susunod na pagbabakasyon ng teenager mong apo, ipaunawa mo sa kanya na lahat ng bagay na nasa silid mo ay puwede niyang magamit basta ipaaalam lang sa iyo.

Kung maulit pa ang kahalintulad na insidente nang pang-uumit, doon mo na sabihan ang anak mo. Habang maaga dapat matulungan siyang disiplinahin ang sarili sa pangunguha ng hindi kanya.

Ang pagtuturo ng leksiyon at kabutihang ugali ay mas epektibo kung gagawin habang bata pa. Dahil sa sandaling kasanayan na ito, mahirap nang maituwid. At posibleng lumala pa kalaunan. 

 DR. LOVE         

 

vuukle comment

GURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with