^

Dr. Love

Underage

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ito po ay tungkol sa aking anak na babae na 14-anyos at may boyfriend na 26- anyos.

Tawagin n’yo na lang g Mrs. Disturbed dahil sa kalagayan ng anak kong babae na mukhang madly in love sa boyfriend niya. Sa tingin ko’y seryoso ang dalawa sa kanilang relasyon. Ilang beses ko nang pinagbawalan ang anak ko, hindi ko siya maawat. Laging katuwiran niya na may isip na raw siya at kayang alagaan ang sarili.

Kinausap ko na ang lalaki na nangakong hindi gagalawin ang aking anak na high school pa lang. Pero ang lalaki ay tapos na ng civil engineering. Sabi niya ay maghihintay sila ng tamang oras at kahit nasa edad na siya, handa siyang maghintay kung kalian puwedeng mag-asawa ang aking anak.

Pero nabalitaan ko na nag-date sila sa sine. Conservative po ako at kahit ang panonood ng sine ay hindi mabuti sa mga magkasintahan lalo na kung bata pa. Natatakot din po ako na baka dumating ang punto na sa hotel na sila magpunta.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin. Paano ko maaawat ang anak ko sa lalaking yaon?

Mrs. Disturbed

Dear Mrs. Disturbed,

Napaka-menor de edad ng anak mo sa gulang na katorse. Sa edad na iyan, kapag may gumalaw sa kanya na lalaki kahit pa gusto niya, puwede mong idemanda ang lalaki ng statutory rape.

Siguro, kausapin mong muli ang anak mo pati na ang kasintahan niya at linawin mo ang bagay na iyan para mangilag ang lalaki na gumawa ng hindi maganda sa anak mo. Pakiusapan mo sila na lay low muna sa relasyon at maghintay ng tamang oras bago sumeryoso.

Pagsabihan mo rin ang anak mo na kung mangyayari ang ganoon makakalaboso ang kanyang boyfriend. Palagay ko, siya na mismo ang iiwas kung yayayain siya ng lalaki na gawin ang hindi dapat.

Dr. Love

vuukle comment

SEX SLAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with