^

Dr. Love

Problema ang step-sister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang bistado na ginagamit ng step-sister ko ang sakit niyang epilepsy para makuha ang lahat na lang ng sa akin. Mula sa mga personal kong gamit at ngayon ang crush ko.

Madalas tumawag si Tony sa bahay para yayain akong mamasyal. Pero kapag ang step-sister kong si Daisy ang nakakasagot, sinasabi niyang lumabas na ako kasama ang isang admirer. Pero ang totoo ay nasa loob lang ako ng aking silid.

Palibhasa’y mas matanda ako sa kanya, kaya pinalalampas ko na lang ang lahat. Lagi ko rin naiisip ang pakiusap ng mommy ko na maging mabuting kapatid sa kanya.

Minsan nang hiniling ni Daisy na maging escort niya si Tony at pinilit niya akong kumbinsihin ito. Pero agad na tumanggi si Tony kaya ang mommy ko naman ang pinilit ng step-sister ko na kumasap sa crush ko. Pero hindi nagbago ang desisyon ni Tony.

‘Yun ang simula nang panlalamig ni Tony sa akin, hindi pa man daw ay pinamimigay ko na siya. Kaya nagpasya akong mag-focus sa pag-aaral para makatapos na ako, makapag-abroad at malayo sa pananadya ng step-sister ko.

Mabilis na lumipas ang mga taon at naghihintay na lang ako ng tawag mula sa employer ko nang hindi ko inaasahang sumulpot sa bahay si Tony. Nag-apply din siya bilang physical therapist sa New Zealand at umaasa siya na manumbalik ang magandang samahan namin. Ang mommy ko po pala ang kinakausap niya kaya nalaman niya ang mga plano ko.

Wala pa akong commitment kay Tony sa ngayon, Dr. Love. Ano po ang maipapayo ninyo?

Maraming salamat at more power.

Gumagalang,

Maylene

Dear Maylene,

Sobrang bless sa’yo ang step-sister mo at napakapalad ng iyong ina sa pagkakaroon ng anak na gaya mo. Dahil napakabait mo, bagay na naniniwala akong nakita ni Tony kaya nag-effort siya para magkaroon ng chance ang samahan ninyo.

Kung masaya ka sa piling ni Tony at makasiguro na mahal mo siya at mahal ka niya, huwag mo nang patagalin na magkaroon ng commitment sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

ANG

ANO

DAHIL

DEAR MAYLENE

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

NEW ZEALAND

PERO

STRONG

TONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with