^

Dr. Love

Naloloko sa bagets ang hipag

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Akala ko mga kabataan lang ang nagiging pasaway sa pag-ibig, maging may edad din pala ay ganun din. At kung tutuusin mas matindi pa ang dating.

Ipinagtapat sa akin ng tatlo kong pamangkin na dalagita ang pagkaloko ng kanilang ina sa isang bagets. Ang mumunting patahian na pinagkukunan nila ng ikabubuhay ay nababaon na sa utang. Dahil iaabot palang ang bayad ng customer ay nakalahad na ang bagets na alaga ng kanilang ina.

Gitgitan ang mga bata sa isang papapag at magtatabing lang ang aking hipag at kanyang bagets na magkatabi na sa higaan na dati’y sa aking yumaong kapatid.

Ayon pa sa aking mga pamangkin, kahit nasa harapan sila ay panay ang lambingan ng dalawa.Nahihiya sila sa inaasal ng kanilang ina. Kaya minsan ay sinita nila ito, pero sinabihan silang umuwi sa kanilang lola kung hindi na makatiis.

Nakiusap silang na sa inuupahan naming apartment muna tumira hanggang sa matapos ang klase. Kung papayag ang aking asawa, walang problema. Nangako po ako sa mga bata na kakausapin ko ang kanilang ina. Pero hindi ko po alam kung paano ko gagawin na kausapin ang isang 50-anyos habang ako ay 25-anyos lamang. Pagpayuhan po ninyo ako. Hindi ko gustong manghimasok, nangangamba lang ako para sa aking mga dalagitang pamangkin na aabandonahin ng kanilang ina dahil sa kanyang kahibangan sa isang 25-anyos na lalaki.

Gumagalang,

Flordeliza

Dear Flordeliza,

Maaaring sa kahibangan ng iyong hipag ay masamain niya nga ang magandang pakay mo. Mabuti pang hingin mo ang tulong ng kanyang partido, para sila ang mangaral sa kanya.

Para sa akin, mas ligtas ang mga dalagita sa iyong poder. Kaya kumbinsihin mo ang iyong mister na pansamantala ay sa inyo muna sila manatili.

Maigi rin na malaman ng inyong mga magulang ang sitwasyon, baka may mas maganda silang suhestiyon para sa iyong hipag, sa kanyang ba­gets, higit sa lahat para sa iyong mga pamangkin.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAHIL

DEAR FLORDELIZA

DR. LOVE

FLORDELIZA

GITGITAN

KAYA

MGA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with