^

Dr. Love

Sumbat ng budhi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinauuna ko na ang pasasalamat sa pag­papaunlak mong mailathala ang aking sulat.

Medyo nakakahiya ang aking kasay­sayan kaya hayaan mo nang ikubli ko ang tunay kong pagkatao. Tawagin mo na lang akong Rosing, 24-anyos at isang plain housewife.

Ang aking asawa ay isang OFW at nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Kada tatlong taon lang siya kung umuwi.

Dahil dito’y madali akong natukso nang makilala ko si Ramir. Ang problema ko ay ito.

Buntis ako ngayon ng dalawang buwan at kinokonsensya ako ng aking sarili.

Tama po ba kung ipalaglag ko ang sanggol alang-alang sa aming relasyong mag-asawa?

Pagpayuhan mo ako Dr. Love.

Rosing

Dear Rosing,

Hindi kita susumbatan sa nagawa mo. La­hat ng tao ay nagkakasala, iba-iba nga lang.

Ngunit ang ginawa mong pagkakamali ay huwag mong ituwid sa pamamagitan ng isa pang mas malubhang kamalian.

Dapat ay prayoridad palagi ng tao ang P­anginoong Diyos at ang pagsunod sa Kanya.

Kapag ipina-abort mo ang bata, pumatay ka ng buhay bago pa man maisilang ito at pinigilan mo ang magandang plano ng Diyos para sa magiging supling mo.

Naging malakas ang loob mong mag­taksil sa asawa mo kaya lakasan mo rin ang loob mo sa pagtanggap sa ibubunga ng iyong pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

BUNTIS

DAHIL

DAPAT

DEAR ROSING

DIYOS

DR. LOVE

KADA

KANYA

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with