^

Dr. Love

Ang crush ni Iza

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Itago mo na lang ako sa pangalang Iza.

Sa gulang na 14 anyos, ako ay may crush. Tawagin mo na lang siyang Ervin. Kaso mag-on sila ng best friend ko. Pero bago pa sila maging mag-on, crush ko na siya.

Nang sabihin ko ito sa best friend ko, nagalit siya at hindi na ako kinausap. Matagal na kaming mag-best friend kaya masakit din para sa akin ang ganoon.

Balita ko’y nag-break na rin sila ni Ervin at ‘di ko malaman kung bakit ako ang inaaway ng best friend ko.

Bakit ganoon, Dr. Love? Parang dalawang mahal ko ang na­wala. Ang crush ‘kong si Ervin at ang best friend ko. Ano ang gagawin ko?

Iza

Dear Iza,

Away bata lang iyan. Unang-una, sinabi mo lang sa friend mo na crush mo ang boyfriend niya.

Pangalawa hindi mo naman inagaw si Ervin sa kanya at kahit ngayong break na sila ay wala kayong­ relasyon.

Wika nga, charge to experience. Nangyayari iyan kahit kaninong nasa edad mo. Kahit ginalit ka niya, huwag kang magpapakita ng galit at ipakitang friend pa rin ang turing mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BAKIT

DEAR IZA

DR. LOVE

ERVIN

FRIEND

ITAGO

IZA

KAHIT

KASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with