^

Dr. Love

Galit sa babae

-

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love? Sana ay datnan ka ng abang sulat ko na nasa mabuting kalusugan at malayo sa mga mabibigat na problema. Isa ako sa masusugid na sumusubaybay ng iyong kolum na kinapupulutan ng aral ng marami.

Tawagin mo na lang akong Ramon, 40-anyos at matatawag na laging sawi sa pag-ibig. Ang tingin ko sa mga babae’y mga taksil. Dalawang beses akong nagkaroon ng live-in partner at parehong hindi umabot ng isang taon ang pagsasama namin. 

Si Gloria ay nakilala ko sa isang maliit na videoke bar. Maganda siya at very sweet. Nili­gawan ko siya at nagsama kami ng limang buwan. Pero sa kabila ng katapatan ko sa kanya, naratnan ko siya sa kuwarto ng inuupahan naming apartment na may kasuyong ibang lalaki. Pinalayas ko siya at masamang-masama ang loob ko.

Matapos ang dalawang buwan, nakilala ko naman si Estrel na isang hiwalay sa asawa. Nili­gawan ko siya at nagsama kami ng apat na buwan.

Pero minsang umuwi ako ng bahay ay wala na siya at ang kanyang mga gamit. Nag-iwan siya ng sulat at sabi niya’y sinundo raw siya ng kanyang asawa. Bakit kaya ganito ang tadhana sa akin?

Dahil dito’y itinakwil ko na ang mga babae dahil sa tingin ko’y pare-pareho sila. Ano ang gagawin ko?

Ramon

Dear Ramon,

Sa susunod na iibig ka, tingnan mo ang background ng babae. Ang una mong kinasama ay isang bar girl. Hindi sa nilalait ko ang mga hospitality girls pero dapat ka pa bang magtaka kung mangyari ang ganyan sa iyo?

Ang pangalawa mong kinasama ay may asawa at marahil, sumama sa iyo dahil nalulungkot sa pag­hihiwalay nilang mag-asawa na mahal niya talaga. Kaya nang balikan siya ng kanyang mister ay agad-agad siyang sumama.

Maraming babae riyan na puwedeng ligawan pero tiyakin mong sila’y single at tapat kung umibig.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR RAMON

DR. LOVE

NILI

PERO

SI GLORIA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with