^

Dr. Love

Teenage pregnancy

-
Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw ang ipinaabot kong pagbati sa iyo at sana’y dumating sa iyo ang liham kong ito na nasa mabuting kalagayan ka, kasama ang iyong pamilya.

Ang pangalan ko’y Rosario, 35-anyos, biyuda at may nag-iisang anak na babae. Kinse-anyos pa lang ang anak kong ito at isang drop-out sa high school. Mahilig kasi siya sa barkada at napabayaan ang pag-aaral niya.

Tindera lang ako ng gulay sa palengke at kahit makuba ako sa trabaho, gusto ko sanang maitaguyod ang nag-iisa kong anak at mapag-aral. Pero bigo ang pangarap ko sa kanya.

Lalong nagdilim ang aking mga pangarap para sa kanya nang malaman kong isang buwan na siyang buntis. Ang problema ay hindi na nagpapakita sa kanya ang kanyang boyfriend na isang jeepney driver.

Nabalitaan kong ang driver na ito ay may asawa na. Gusto kong ipaalis ang batang dinadala ng anak ko. Unang-una’y magiging pasanin ko ito dahil wala naman akong sapat na kabuhayan para itaguyod ang anak ko at ang anak niya.

Mauunawaan siguro ako ng Diyos kung gagawin ko ito. Tama ba ang gagawin ko, Dr. Love?

Rosario


Dear Rosario,


Huwag mong idamay ang sanggol sa maling ginawa ng anak mo. Masama ang pumatay kahit ano pa ang dahilan mo. Sa bansa natin, isang krimen ang abortion. Pero hindi ka lang sa batas ng tao dapat matakot kundi sa batas ng Diyos.

Kung takot ka na wala kang sapat na kabuhayan para sa isisilang niyang sanggol, alam kong maraming mga magulang na walang anak ang nakahandang umampon sa batang iyan. Iyan ang gawin mo.

Dr. Love

vuukle comment

ANAK

DEAR ROSARIO

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

ISANG

IYAN

KONG

LALONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with