^

Dr. Love

Naisahan ako

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo.

Pangalawang liham ko na po ito sa malaganap ninyong pahayagan. Pero ang una po ay mahigit nang isang taon.

Ang problema ko po ngayon ay ang pagkakaiwan na sa aming mag-ina ng lalaking dating amo ko pero siyang ama ng aking anak.

Ang akala ko po, tuluy-tuloy na ang kaligayahan ko dahil bagaman hindi ako pinakasalanan ni Tonying, pinakisamahan naman niya ako at sinuportahan niya kaming mag-ina.

Pinili niyang iwan ang kanyang tunay na asawa na may edad na at dalawang anak na kapwa tapos na sa kolehiyo.

Umuwi po ako sa aming probinsiya matapos matuklasan ng kanyang pamilya na nagdadalang-tao ako at si Tonying ang ama ng dinadala ko sa sinapupunan.

Sinundan po ako ni Tonying at may isang taon din kaming nagsama.

Pero pinadama lang pala niya ako. Minsang umuwi siya sa kanyang pamilya, hindi na siya bumalik.

Nang sundan ko naman siya sa Maynila at puntahan ko ang tahanang dati kong pinagsisilbihan, wala na ang buong pamilya. Ipinagbenta na pala nila ang kanilang bahay at sinabi ng nakatira ngayon doon na nasa Amerika na ang buong pamilya.

Naisahan pala ako ni Tonying at ng kanyang pamilya.

Paano po ang dapat kong gawin para may suportang makuha ang aking anak?Gumagalang,

Selda


Dear Selda,


Ang tanging masasabi ng pitak na ito, hindi ka naging matalino at hindi mo ginamit ang utak mo para matiyak na may tuluy-tuloy na suporta ang anak mo.

Kung nangibang bansa ang pamilya ng kinasama mo, ang ibig sabihin nito, magbabagong-buhay na ang lalaking kinasama mo kasama ang tunay niyang pamilya.

Mabuti na lang at hindi ka kinasuhan ng amo mong babae, kasama ang lalaking inagaw mo sa kanila.

Naghangad ka ng kaligayahang hindi para sa iyo kaya naisahan ka nga nila.

Anyway, ang masasabi lang ng pitak na ito, talagang walang katiyakan ang pagpatol mo sa isang lalaking may pamilya.

Magbagong-buhay ka na rin at maghintay ka ng balita kung saan mo puwedeng sulatan ang dati mong amo para humingi ng suporta.

Suporta lang ba talaga ang gusto mo sa kanya? Dr. Love

vuukle comment

AKO

AMERIKA

DEAR SELDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

IPINAGBENTA

PAMILYA

PERO

TONYING

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with