Pananaw sa premarital sex
June 11, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello po at magandang araw po sa inyo. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan lagi. Isa po ako sa regular readers ng inyong column.
Ako nga po pala si Virginia, single, 22 years-old from Laguna at nasa ikaapat na antas sa kolehiyo.
Dr. Love, sumulat po ako sa inyo para i-share kung ano ang aking napupuna sa mga kabataang kasing edad ko. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay napakaagang nagsisipag-boyfriend at girlfriend. Siyempre sa isang relationship, hindi nawawala ang lambingan sa isat isa. At ang lambingang ito ay humahantong sa premarital sex. Naaawa po ako sa mga kabataang maagang na-eengage sa premarital sex kasi po hindi na nila pinahahalagahan ang kanilang mga sarili. Ang pinaiiral na lamang nila ay ang kapusukan at ang tawag ng laman. Alam ko na marami ang mag-rere-act sa sinabi ko. Against po ako sa premarital sex. Siguro ang sasabihin ninyo sa akin bakit ako natatakot sa premarital sex eh marami naman diyang contraceptives.
Marami nga riyang pwedeng gamiting contraceptives pero aware ba naman kayo sa mga side effects ng mga contraceptives na ito? Im sure ang ilan sa inyo ay hindi alam kung anu-ano ang masasamang epekto nito sa katawan.
Sa mga magkasintahan diyan, sana ay iwasan natin ang mag-engage sa premarital sex. Hindi ko kayo pinipilit or inoobliga na gawin ang sinabi ko. Nasa sa inyo na iyon. Ang sa akin lang ay nagpapaalala lang ako na masama ito.
Dr. Love, hanggang dito na lamang po at maraming salamat po sa paglalathala ninyo ng aking liham.
Nagpapasalamat
Virginia
Dear Virginia,
Nagpapasalamat ako na mayroon pa ring mga babaeng nagpapahalaga sa kanilang puri katulad mo. Tama ka, sa modernong panahon natin ngayon, maging ang virginity ng isang babae ay tila nawawala na rin sa uso.
Kaya naman patuloy na tumataas ang bilang ng mga unwed mothers at kasunod nito, maraming mga bata ang lalaking hindi mabibigyan ng sapat na atensiyon at kalinga dahil wala sa oras ang paglitaw nila sa mundong ito.
Nawa ay higit pang madagdagan ang bilang ng mga babaeng tulad mo. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended