^

Dr. Love

Pag-ibig o ambisyon?

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Tawagin na lamang ninyo akong Mr. K.A., 17 years-old. Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo kaso lang ay nadadala ako ng hiya.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagdalawang-isip na sumulat sa inyo para humingi ng tulong.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking pag-ibig at ambisyon. Nalilito po ako. Hindi ko po alam kung sino ang dapat kong sundin: ang puso ko o ang ambisyon ko.

Tatlong buwan lang po kaming mag-on mula nang sinagot ako ng aking nobya. Hindi ko po akalain na mapapamahal siya sa akin nang lubos. Mahal na mahal ko po siya.

Tawagin na lamang natin siyang Miss M.I.C. Palagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko po kayang malayo siya sa akin. Mula nang umibig ako sa kanya, nagkaroon ako ng interes sa pag-aaral. Siya ang aking inspirasyon.

Pero nang mabalitaan niya na gusto kong magpari, nakita ko na parang gusto niyang umiyak. At mula noon, pakiramdam ko, ay tila nagbabago na siya sa akin at unti-unti na siyang lumalayo.

Ano po ang dapat kong gawin gayong mahal na mahal ko po siya? Sino po ba ang dapat kong sundin? Hindi po ba maaaring maging pari kung may pag-ibig?

Sana ay mabigyan ninyo ako ng advice kung ano ang dapat kong gawin para hindi siya mapalayo at magbago sa akin.

More power and God bless you.
Mr. K.A.



Dear Mr. K.A.,

More are called but few are chosen.

Ito ang karaniwang sinasabi ng mga may ambisyong mag-pari subali’t hindi napagpatuloy ng kanilang ambisyong makapaglingkod sa Diyos bilang tagapamansag ng pananampalataya.

Hindi pa man kayo nagkakaroon ng relasyon ni Miss M.I.C. ay may plano ka nang magpari. Subali’t sa hindi inaasahang pangyayari, nanligaw ka at napamahal sa iyo nang lubos ang nobya mo.

Subali’t hindi pa nawawala sa iyo ang pagkagustong makapaglingkod sa Panginoon at bilang pari ay magkakaroon ka ng "vow of celibacy."

Ang pagdating sa iyong buhay ng nobya mo ngayon ay maaaring isang pagsubok sa iyo ng Panginoon para matiyak mong lubos ang iyong sarili kung talagang kaya mong magpatuloy ng pagpapari dahil hindi biro ang pumasok sa bokasyong ito at hindi biro ang sakripisyong kailangang harapin sa pagpupursige sa bokasyong ito.

Ikaw lang ang puwedeng gumawa ng desisyon dito. Saan ka ba higit na magiging maligaya? Kung ikaw ba ay pari na at may dumating uling ganitong problema, hindi mo ba babaliin ang iyong pangako?

Una pa lang itong pagsubok sa iyong katatagan sa desisyon. Kaya unti-unting lumalayo ang nobya mo ay dahil ayaw niyang makasagabal sa desisyon mo sa pangambang baka mapaghinalaan siyang nagbuyo sa iyo para magbago ng landas na tatahakin. Intindihin mo ang kanyang sitwasyon.

Manalangin ka nang husto at sana ay gabayan ka ng Holy Spirit sa desisyong gagawin mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

HOLY SPIRIT

MISS M

MR. K

NANG

PANGINOON

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with