^

Metro

133 huli sa pinaigting na operasyon ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
133 huli sa pinaigting na operasyon ng QCPD
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Aabot sa 133 katao ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa sunud-sunod na operasyon laban sa ilegal na droga, mga pugante, ilegal na armas at sugal sa Quezon City mula Agosto 16 hanggang 22.

Pinakamarami ang naaresto sa 39 anti-illegal drug operations, kung saan 56 suspek ang nadakip at nasamsam ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P471,122. Sa manhunt operations naman, 34 wanted person, kabilang ang 11 most wanted, ang naaresto.

Walo pang suspek ang nahuli sa walong operasyon laban sa ilegal na armas, habang 35 katao ang dinakip sa 24 operasyon kontra ilegal na sugal. Nasamsam din sa mga operasyong ito ang walong baril at P10,499 na bet money.

Kabilang sa mga nadakip si alyas “Jimbo”, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos umanong makaiwas sa awtoridad sa loob ng 10 taon. Nadakip din si alyas “Reko” na wanted sa kasong rape at si alyas “Jojo” na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ayon kay QCPD District Director PBGen. Randy Glenn Silvio, patuloy na paiigtingin ng distrito ang ope­rasyon laban sa mga kriminal upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga residente sa Quezon City. Isinampa na ang kaukulang mga kaso laban sa mga naarestong suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with