Bato arrest ‘diversionary tactic’ sa Sara trial – Palasyo

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Malacañang na ang kumakalat na balitang naaresto na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay isang “diversionary tactic” upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hinikayat niya ang publiko na huwag basta maniwala sa mga usap-usapan at suriin ang pinagmumulan at motibo ng mga nagpapakalat ng naturang balita. Pinuri rin ni Castro ang mainstream media na aniya’y hindi bias at nagsisiyasat muna bago maglabas ng ulat.
Mapapansin umano na walang laman at konteksto ang mga pahayag nina Atty. Jimmy Bondoc at dating presidential spokesperson Harry Roque hinggil kay dela Rosa.
“Timing ang ginagawa nila… para matabunan ang mga naisiwalat ng COA patungkol sa mga walang resibo na paggasta ng milyun-milyong pisong confidential funds ni VP Sara sa OVP at DepEd,” ani Castro.
Dagdag pa niya, malinaw ang motibo sa ginagawang diversionary tactic ng mga kaalyado ng Bise Presidente.
- Latest


















