^

PSN Showbiz

JM umaming hindi pa rin nakaka-recover!

Pilipino Star Ngayon
JM umaming hindi pa rin nakaka-recover!

MANILA, Philippines — Nagbabalik si JM de Guzman kasama ang kan­­yang bagong leading lady na si Barbie Imperial para bigyang buhay ang isang kwento ng pag-ibig na nababalot ng liwanag at dilim sa Precious Hearts Romances presents Araw Gabi ngayong Abril 30.

Matagal din namahinga si JM. Ginugol niya ang panahong wala sa limelight sa pagpapagaling matapos muling subukan ang bisyo.

Hindi pa totally recovered si JM at ayon sa actor, nagre-report siya monthly at everyday ay meron siyang counseling para masi­gurong hindi na siya babalik sa pagbibisyo.

Pero seryoso raw siya this time kumpara nung dumating din siya sa ganitong stage. Bumitiw daw kasi siya noon.

Anyway, matapos ang siyam na taon, sundan muli ang pagbubukas ng mga pahina ng Precious Hearts Romances series at kilalanin si Michelle (Barbie), isang babaeng may pusong kasing liwanag ng sikat ng araw. Sa kabila ng hirap sa buhay, tinuruan siya ng kanyang Mamay (Candy Pangilinan) at Papay (Dennis Padilla) na tingnan ang maganda sa kahit anong sitwasyon.

Kaya naman nang malaman niyang susi sa kanyang promotion bilang Account Director ang makuha ang proyekto na Tranquila Resort, talaga namang todo ang kanyang ginawang paghahanda dito.

Kung puno ng liwanag ang buhay ni Michelle, kabaligtaran naman ito ng kay Adrian (JM) na puno ng kadiliman ang pagkatao. Siya ang tumatayong CEO ng Olvidar Group of Companies kung saan kabilang ang Tranquila Resort na nasa El Paraiso, ang lugar na kinalakihan niya. Dahil sa isang kasalanang nagawa niya 18 taon ng nakakaraan, binansagan siyang halimaw ng mga empleyado roon at salot naman kung ituring ng mga tao sa islang pinagmulan.

Hindi magiging maganda ang unang pagkikita nina Adrian at Mich. Sa muling pagkrus ng landas nila, la­king gulat ni Mich nang malamang si Adrian pala ang may-ari ng Tranquila Resort. Siya rin ang lalaking sisira sa kanyang pangarap dahil tatanggihan nito ang kaniyang pitch proposal. Ga­yunpaman, hindi sumuko ang dalaga at pinuntahan pa ang El Paraiso para pag-igihin ang kanyang pagsasaliksik sa lugar. 

Kasama rin sa cast sina Rita Avila, Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker, Paolo Angeles, Ysabel Ortega, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, at Joshua Colet. Ito ay sa direksyon nina Theodore Boborol, Don Cuaresma, at Mylah Ajero Gaite sa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani.

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng Precious Hearts Romances presents Araw Gabi sa Lunes (Apr 30) sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

BARBIE IMPERIAL

JM DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with