^

PSN Opinyon

6 na pinaka-matinding ideya nitong panahon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALILIIT ang utak ng primitibo kumpara sa modernong tao. Ang kaalaman nu’ng sinaunang panahon ay batay sa nararamdaman: liwanag at dilim, lamig at init, busog at gutom, sarap at sakit, gaan at bigat, lakas at hina, lambot at tigas, ikaw at ako, tayo at sila, buhay at patay.

Umunlad ang tao dahil sa karanasan. Ipinasa ang kaalaman sa mga sumunod na henerasyon. Umangat ang mga primitibong ideya. Mula sa nararamdaman nagkakonsepto ng mabuti at masama, kabilang ang pagnais, pangangaila­ngan, tapang at takot. Naroon din ang tama at mali, totoo at bulaan. Naroon din ang komunidad (tribo) at mag-isa, pati na rin kakampi at kalaban.

Mas lalong umunlad ang kaisipan nang maimbento ang pagsusulat. Sa drawing (hieroglyphics) o sa titik, nabuo ang sinasabing 102 Pinaka-Matitinding Ideya ng Ating Panahon. Nagsimula ito kina kwentistang Homer at mga pilosopong Herodotus, Aristotle, at Plato, hanggang sa kasalukuyang mga pantas na Dante, Karl Marx, at Sigmund Freud. Lumitaw ang mga konsepto ng tama at mali, at mula rito ang etika, birtud at bisyo, good manners and right conduct, mga alituntunin, batas at kaayusan, mahal at muhi, at Diyos at demonyo. Nagka-konsepto rin ng maganda at pangit, kabilang na ang sining, nakakaakit, at nakaka-asiwa. At mula din doon ang mga konsepto ng lipunan at pamahalaan.

Nilagom ni Mortimer Adler ang 102 pinaka-matinding ideya, at inugat ito sa anim: Katotohanan (Truth), Kabutihan (Goodness), Kagandahan (Beauty), Kalayaan (Liberty), Pagka-Pantay-Pantay (Equality), at Katarungan (Justice).

Sa anim na ito umiikot ang pare-parehong panga­ngailangan at pakiramdam ng modernong tao. Ang mga isyu ng karapatang pantao, droga, patayan, katiwalian, trabaho, at karalitaan ay mula sa kanila.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with