^

Metro

2 parak, taxi driver tiklo sa pangingikil sa Koreano

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police ang dalawang bagitong pulis at kasabwat nilang taxi driver nang pagtangkaang kikilan ang isang Korean national sa loob ng isang hotel sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police ang mga dinakip na parak na sina PO1 Marciano Trozado, 29; PO1 Mark Anthony Santos, 29, kapwa nakatalaga sa Las Piñas Police Community Precinct (PCP) 6 at ang ka­sabwat nilang taxi driver na si Jesus Bajamundi, 41.

Inireklamo ng kasong extortion ang tatlo ng biktimang si Lee Young Su, 32-anyos, pansamantalang nanunulu­yan sa Tower C Antel Sea­view, Roxas Blvd., Pasay.

Sa ulat, sinabi ni Lee na una siyang naghanap ng mabibilhan ng “savings paper bonds” sa internet at nasumpungan ang pangalan ng isang kapwa Koreano na nagbebenta nito sa isang advertising site.  Nang kanyang tawagan, nakipagkasundo si Lee na makikipagkita sa Heritage Hotel sa Pasay City para bumili siya ng “savings paper bonds” sa halagang P20,000.

Nang dumating sa na­turang hotel dakong alas-9:10 ng gabi, sa halip na ang ka­usap na Koreano ang makipagkita ay hinarap siya ni Bejamundi at ng dalawang pulis.

Inabutan siya ni Bejamundi ng isang papel na may nakasulat sa wikang Koreano na nanghihingi ng 10,000 won o P400,000 na katumbas na ipinadedeposito sa isang Korean bank account.

Nakasaad pa sa liham na kailangang maideposito niya ang naturang halaga sa loob ng isang oras at kung hindi magagawa ay aarestuhin siya ng dalawang pulis na nagpakilalang mga tauhan umano ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kaagad namang humingi ng tulong si Lee sa mga security personnel ng Heritage Hotel na siya namang tumawag sa Pasay City Police Community Precinct (PCP) 6.  Nang dumating ang mga pulis, inimbitahan ang da­yuhan at ang tatlong suspek sa istasyon hanggang sa masampahan ng kaso ang mga huli.

vuukle comment

BEJAMUNDI

CHIEF INSP

HERITAGE HOTEL

ISANG

JESUS BAJAMUNDI

JOEY GOFORTH

KOREANO

NANG

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with