^

Metro

2 holdaper todas sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Oplan Sita sa Taguig

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa panghoholdap matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa isinagawang “Oplan Sita” sa Taguig City, Huwebes ng umaga.

Ayon kay SPD Director PBGen. Rodel Pastor, isa sa mga nasawi ay kinilalang si alyas “Jiboy,” na umano’y miyembro ng Ocho Sakto Gang at sangkot sa kasong frustrated murder noong Setyembre 29, 2026 habang ang isa pa ay sangkot din sa serye ng mga panghoholdap.

Naganap ang engkuwentro dakong alas-10:58 ng umaga nitong Oktubre 22 sa Arca South, Brgy. Western Bicutan.

Batay sa ulat, pinara ng mga pulis ang da­lawang magkaangkas sa motorsiklo. Ngunit sa halip na sumunod, ­tumakbo umano ang mga ito patungo sa isang barung-barong habang hinahabol ng mga awtoridad.

Doon umano pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis na gumanti ng putok, dahilan upang kapwa sila mapatay.

Ayon kay Pastor, isasailalim sa ballistic exa­mination ang mga baril na narekober upang matukoy kung nagamit ang mga ito sa iba pang krimen.

HOLDAPER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with