^

Metro

Bedridden na lola, patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 79-anyos na babaeng bedridden matapos ma-trap sa loob ng kanyang bahay nang sumiklab ang sunog sa Barangay Bu­ting, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na ulat, hindi na nailabas ang biktima mula sa kanyang silid dahil sa makapal na usok at matinding init, sa kabila ng pagsisikap ng mga rumesponde.

Kasama ng biktima sa bahay ang kanyang pamangkin at isang care­giver na kasama ang anak nito. Agad ding rumesponde si Barangay Chairman Jigs Servillon, na pamangkin ng nasawi.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-1:29 ng madaling araw. Idineklarang fire under control ang sunog alas-2 at tuluyang naapula alas-3:15. Ilang kabahayan din ang nadamay sa insidente, na nilabanan ng 35 fire truck.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at inaalam ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with