^

Probinsiya

Bebot binaril sa batok, patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae matapos na  barilin sa batok ng hindi pa nakikilalang lalaki sa gilid  ng  kalsada kama­kalawa sa Cebu City.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si  Marilou Abayan, 47 anyos,  habang tukoy na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na target ngayon sa follow-up operation.

Lumilitaw na nangyari ang insidente dakong alas-9 ng gabi na nakunan pa ng CCTV ang paglalakad ng babae kung saan kinausap ang isang lalaki sa gilid ng kalsada at saka umalis. Hindi alam ng biktima na sinundan siya ng suspek at habang nakatalikod ay binaril siya sa batok.

Nang makitang bu­magsak ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek.

Personal na galit naman ang nakikitang motibo sa pamamas­lang.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Diosdado Parejas, OIC, Station 6, CCPO, nakausap pa niya ang biktima bago malagutan ng hininga at doon ibi­nigay ang pangalan ng suspek na hindi pa tinutukoy ng pulisya habang isinasagawa ang pagtugis.

Mahaharap sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with