Sarah, manganganak na raw sa Pasko

‘Di na raw kailangang umamin
Although wala pang kumpirmasyon ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo tungkol sa napapabalitang pagbubuntis ni Popstar Royalty sa kanilang first baby, ang netizens na mismo ang kumukumpirma nito para sa kanila.
Hindi na nga raw kailangang umamin pa ng celebrity couple dahil kitang-kita naman daw sa latest photo ni Sarah na malaki na ang tiyan nito.
Huling naispatan si Popstar sa gender reveal ng kapatid ni Matteo na si Giorgia Guidicelli-Dato who is pregnant with her third baby.
Sa mga larawan kasi na ipinost nga ni Georgia at ina ni Matteo, makikita ngang tila naka-maternity dress si Sarah at malaki na ang baby bump.
Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan din nila ito at maging siya ay kumbinsido na preggy na talaga si Sarah.
Ang balita pa niya, dinig daw niya ay sa December na manganganak si Sarah na hindi imposible kung pagbabasehan ang laki ng tiyan niya ngayon.
Kung bakit hindi pa kinukumpirna hanggang ngayon ng AshMatt ang rumored pregnancy, ayon kay Ogie ay wala naman daw obligasyon ang mag-asawa na umamin at ang mga larawan na mismo ang nagsasalita. “‘Yan na ‘yung nagsasalita, naghuhumiyaw na katotohanan,” sey ni Ogie.
James, naging teacher si Issa!
Binigyan ng kredito ni James Reid ang girlfriend na si Issa Pressman na siya raw teacher niya sa kanyang Tagalog lines sa serye niyang Someone, Someday with Kathryn Bernardo.
“She’s great. She’s very supportive. Always giving me advice. Especially in Tagalog. (She is my) unofficial Tagalog teacher,” sey ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.
Bukod dito, in-encourage rin daw siya ng GF na panoorin ang serye, bagay na hindi niya ginagawa sa kanyang mga proyekto. “She loves watching it. I actually, I really can’t watch anything that I’m in. I usually go to the premiere night, I see some episodes of a lot of the series I’ve done in the past because people are watching it so I see it. But I can never sit down and watch everything,” sey ng aktor.
Kaya ang Someone, Someday nga raw ang first show na pinanood niya nang buo dahil kay Issa.
“This will be the first show that I watch everything beginning to end because Issa’s forcing me to watch it. She said, she’s like, ‘Why not? I’m excited to watch the series again because you’re in it so let’s watch it,’” kwento ng aktor.
- Latest






















