^

Bansa

Banta ng China: Papasok sa South China Sea, huhulihin!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Banta ng China: Papasok sa South China Sea, huhulihin!
Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang barkong ito na may lulang pitong Chinese crew na nakitang nakadaong sa Subic, Zambales. May kaugnay na ulat sa pahina 3.
PCG photo

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naging pahayag ng China na aarestuhin ang mga ‘trespassing’’ sa South China Sea.

Ayon kay PCG spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, “illegal” ang direktiba ng China at harassment lamang ito sa mga mangingisda sa mismong exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kahapon, matapos ang matagumpay na civilian mission sa West Philippine Sea, naglabas ng regulasyon ang China na nagsusulong ng pag-aresto sa mga sibilyang ‘trespassing’ sa South China Sea.

Sa inilathala ng South China Morning Post, nakasaad ang regulasyon na idedetine ng China Coast Guard (CCG) ang “trespassers” nang walang paglilitis, ayon sa regulatory document ng Beijing na nakatakdang umiral sa Hunyo.

“Foreigners suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days,” nakasaad sa media report.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Chinese Embassy sa Manila hinggil dito.

Saklaw ng claims ng China sa South China Sea ang West Philippine Sea, kasama ang Scarborough Shoal na tinarget puntahan ng Philippine civilian mission sa pangunguna ng Atin Ito Coalition.

Matatagpuan ang Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc at Panatag Shoal, 124 nautical miles sa kanluran ng Zambales at saklaw ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“These are things na masasabi na nating iligal na action na naman ng China. The mere fact that they claim full sovereignty over our own exclusive economic zone at ang jina-justify lang naman nila is yung imaginary nine-dash line nila,” dagdag pa ni Tarriela.

Walang basehan ang  China sa sinasabing para arestuhin ang mga mangingisda.

“Isa na naman uling pananakot ito ng Chinese government to discourage these types of activities ng civil society. Ang ginagawa nilang ‘yan para huwag na sigurong mag-take three si [Atin Ito Coalition co-convenor and Akbayan president Rafaela David] ng another Atin Ito convoy,” dagdag pa ni Tarriela.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with