^

Bansa

Wiretapping ops ng Chinese Embassy, tatalupan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa ­Senate committee on national defense na imbestigahan, in aid of legislation, ang umano’y hindi awtorisadong wiretapping ng Chinese embassy sa Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-WESCOM).

Binigyang-pansin ni Tolentino ang potensyal na paglabag ng Chinese embassy sa Pilipinas sa Anti-Wiretapping Act, na aniya’y isang matinding pagkakasala na maaaring magpaapoy sa diplomatikong tensyon at magdulot ng legal na epekto.

“This act deems it illegal for any individual, not authorized by all parties to a private communication or spoken word, to tap any wire or cable or use devices to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word,” ani Tolentino.

Sa isang Resolusyon ng Senado, binigyang-diin ni Tolentino ang anunsyo ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian sa isang press conference noong Mayo 6 sa diumano’y “new model” para sa transportasyon at subsidy ng Ren’ai Reef (Second Thomas Shoal) na inaprubahan umano ng buong command chain ng Philippine military, kabilang ang Ministry of Defense ng Pilipinas, National Security Advisor, at iba pa.

Nagbanta rin ang China noong Mayo 7 na ilalabas ang transcript at audio recording ng isang umano’y pag-uusap sa telepono noong Enero 3 sa pagitan ng mga opisyal ng China at Vice Admiral Alberto Carlos, hepe ng AFP-WESMINCOM.

Sa pag-uusap, pumayag umano ang huli sa isang “new model” na resupply missions sa BRP Sierra Madre. Nagbanta rin ang China na ilalabas ang transcript at audio recording.

Gayunman, sinabi ng DFA na walang opisyal sa antas ng Gabinete ng administrasyong Marcos na sumang-ayon sa anumang panukala ng China ukol sa Ayungin Shoal.

Wala rin umanong dokumento, talaan, o umiiral na deal, ayon sa sinasabi ng embahada ng Tsina.

Dahil dito’y nanawagan si Tolentino sa mga awtoridad ng Pilipinas na gumawa ng naaangkop na aksyon upang matukoy ang lawak ng panghihimasok ng China sa ilan sa ating kritikal na imprastraktura na maaaring makasira sa ating pambansang seguridad.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with