^

Punto Mo

Tres Queridas (50)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nagsimulang bumuo ng plano sina Celeste at Diana upang subukan si Jack kung hindi ba ito espiya ni Carlo. Upang walang makaalam ng kanilang usapan, sa text nila ipinagpatuloy ang pagpaplano.

Celeste: “May naisip na akong plano. Mabuti na lang at sasama si Lani sa atin pabalik ng Maynila dahil siya ang gagamitin natin bilang pain.”

Diana: Paano natin gagamitin si Lani para sa bitag?”

Celeste: “Una, gagamit tayo ng dalawang bahay. Isa sa Mandaluyong, isa sa Makati. Sasabihin natin kay Jack na para sa kaligtasan ni Lani habang naghihintay ng panganganak nito, itatago muna natin siya sa Mandaluyong. Isang lihim na safehouse na tayo lang ang nakaaalam. Pero ang totoo, sa Makati natin itatago si Lani. Kung nagrereport si Jack kay Carlo... magpapakita siya sa Mandaluyong.”

Diana: Sige.

Pagkaraang mag-usap binura ni Celeste ang mga text nila at pumasok muli sa loob para tulungan si Lani na makababa sa hagdanan. Inalalayan nila si Lani patungo sa sasakyan. Nagulat si Jack nang makitang inaalayan ang dalaga. Bumaba siya at binuksan ang pinto ng sasakyan.

“Ma’am Celeste?” sabi ni Jack habang inaalalayan si Lani sa backseat. “Isasama po natin si Lani pabalik ng Maynila?”

“Oo, Jack,” sabi ni Celeste habang nakatingin sa mga mata ng bodyguard. “High-risk ang pagbubuntis ni Lani at kailangan nasa Maynila siya sakaling may mangyari. Pero dahil alam nating gumagala si Carlo sa lunsod, hindi natin siya puwedeng iuwi sa bahay niya.”

“Dederetso tayo sa Mandaluyong. May bahay kami roon na walang nakatira. Doon muna natin itatago si Lani.”

Sa rearview mirror, nakita nina Celeste at Diana ang pagkurap ni Jack, isang pag-aalinlangan sa kanyang mukha bago ito tumango.

“Naiintindihan ko po, Ma’am,” sagot ni Jack habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Umalis na sila.

Naibato na nila ang pinakamalaking pain. Pagbalik nila ng Maynila, malalaman na nila kung sino ang nagpapadala ng impormasyon kay Carlo.

(Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with