6 opisyal at engineers ng DPWH sa Davao, sinibak

MANILA, Philippines — Anim na opisyal at engineers pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sinibak na rin sa puwesto bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects sa Davao City.
Base sa magkakahiwalay na memorandum na nilagdaan ni DPWH Secretary Vince Dizon, nabatid na kabilang sa mga sinibak sa puwesto ay si DPWH-Bicol assistant director Ferdinand Dallo, na dating nakatalaga sa Davao City district engineering office.
Relieved din sa puwesto sina Davao City 1st DEO officer-in-charge Emilio Sucaldito Jr. at engineers Kristine Apao, Aljun Barcoma, Kim Anthony Duque, at Alexander Omadley.
Anang DPWH, ang pagsibak sa puwesto sa mga naturang indibidwal ay sasampahan ng kaso ang mga taong sangkot sa kaduda-dudang flood control projects ng kontratistang Genesis88.
- Latest


















